Laktaw Tingin
By: Adelino L. Masigla

Kayo na Taga-Lupa:
Kayong taga-lupa, ng Perlas ng Silangan,
Alamin kung bakit, ano at kay bagal,
Bakit tila hirap, mayron bang sagabal?
Ang inyong pag-usad, sa gulong ng buhay.

Pagkakaisa:
Inyong mga mata, dapat lang ituon,
Sa ibayong bukas, sa gawi pa roon,
At ang bawat hakbang, ng paang limayon,
Ay dapat patungo, sa isang direksyon.

Tamang Pagkakataon:
Ang tubig sa dagat, tataas, bababa,
Ngayon ay malalim, at tabsing mamaya,
Kung ika'y patawid, sa bungad ng lawa,
Ay sa sunong-buwan, nang ‘di ka malisya.

Kasaganaan:
Ang bunga ay bunga, mula sa bulaklak,
Ng sanga ng punong, sa lupa'y nag-ugat,
Dinilig ng ulan, nabasa ng sapat,
Sa init ng araw, sagana'y nagbuhat.

Ganid ng Lipunan:
Ang ugat ng lahat ng kapighatian,
Ay ang imbing ganid, tusong magnanakaw,
Ulo ng kurapsion, mapang-aping halal,
Sa bisa ng boto, nilukluk ng bayan.

Sandal ng Kahirapan:
May ngiting nagwika ang paring decano,
Salansan ng pulubi'y kaawaan ninyo,
Umis ay naglaho, nang mawari nito,
Pulubi'y sa dahop, ganid ay sa tao.

Pangakong Pulitico:
Mga mamayan, mga kapatid ko,
Pagka punong bayan ako ang iboto,
At upang matiyak na asenso tayo,
Lahat na konsehal isulat derecho.

Susing Economiya:
Pantas na tinuring at economista,
Mga mata'y piring hindi nakikita,
Ang tunay ng daan susing econimiya,
Na indutriang bakal, wala nang iba pa.

Sa Bakal Nagmula:
Lahatin na natin ang bansa sa mundo,
Na naging sagana at naging asenso,
Di baga't sa bakal umikot nagbuto,
Lahat ng industria ay kaugnay ito.

Unang Tugkulin:
Ang unang tungkulin nitong pamahalaan,
Laging itaguyod mga kapakanan,
Ng bawat nilalang mga mamamayan,
Edukasyo't gutom, tahana't, kalusugan.

Kapag Puno'y Kapos:
Ito ang s'yang bunga, kapag puno'y kapos,
Salat sa pagtingin, serbisyo'y di lubos,
Mga matang dilat sa yama'y hikahos,
Magsisipag-aklas, dusa'y magpupuyos.

Madugong Aral:
Mga bansa sa mundo ay kaya natutong,
Mahalin ang bayan at gawing sumulong,
Himagsikang sigaw apoy at dagundong,
Milyon ang nakitil, dugo'y dumaluyong.

Sakim Na Pag-ibig:
Hangga't di sumapit ang madugong aral,
Sugat na malalim sa pusoy makintal,
Laging malilimot kahapong dumatal,
Sakim na pag-ibig sa damdami'y bukal.

Supil ng Limbas:
Hanggat di matutong lumuha ng hiyas,
Hapdi ng hagupit ay mawaring wagas,
Mulawin mang tunay na may angking tigas,
Damdami'y yuyukod sa supil ng limbas.

/1991. Manila                  
This poem, written in Pilipino national language, is dedicated to the to the people
of the Philippines. It depicts a perspective as viewed by the author from a distant
point at sea. It is an attempt to motivate the readers to enhance personal concern
for the future of the nation.
BACKGROUND
The Poems of Capt Adelino L. Masigla
Visit My Poems